2022

PAKSA

Tema para sa taong 2022:

“Alagad ng Sining na Bulakenyo, Dangal ng Lahing Pilipino!”

RASYONALE

Itatanghal ng 4th SINEliksik Bulacan DocuFest ang mga Bayani ng Sining at Pambansang Alagad ng Sining na nagmula sa dakilang lalawigan at nagbigay-buhay sa pitong anyo ng sining: arkitektura, dulaan, musika, panitikan, pelikula, sayaw at sining biswal.

Sa paglipas ng panahon, mas lumalim at tumingkad ang mga sining sa bansa na nagsisilbing repleksyon ng mayamang kasaysayan at kultura, identidad, kolektibong pagpapahayag ng makulay nitong tradisyon at mga kaugalian.

Sa kasalukuyan, kinikilala ang Bulacan dahil sa mga Bulakenyong tumindig at buong pagmamalaking ibinandila ang kanilang husay at galing sa iba’t-ibang anyo ng sining. Ang kanilang pagmamahal sa bansa ay sumasalamin sa kanilang buhay at mga gawa at kung paano nila pinagyaman at itinanghal ang sining sa bansa at buong mundo na nagdulot ng inspirasyon sa buhay ng bawat Pilipino dahilan upang patuloy silang dakilain bilang dangal ng lahing Pilipino!

MGA LAYUNIN

  1. Magkaroon ng komprehensibong pananaliksik at biswal na reperensiya patungkol sa buhay at mga gawa ng mga Bulakenyong Bayani ng Sining at Pambansang Alagad ng Sining.
  2. Magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino ang kanilang pagmamahal sa sining.
  3. Ikarangal ang kanilang malaking ambag sa sining at kultura ng lalawigan at bansa.

DESKRIPSYON NG GAWAIN

Ang bawat grupo ng mga Bulakenyong interesadong lumahok ay kinakailangang pumili ng isang alagad ng sining sa talaan na tinukoy ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO) na siyang magiging sentro ng dokumentaryo. Ang mga lahok na dokumentaryong tatanghaling finalist ay gagamitin ng tanggapan sa mga programa nito, gaya ng SINEliksik Bulacan Film Showing at ilalathala sa SINEliksik Bulacan Coffee Table Book sa susunod na taon. Ang docu film at aklat ay magiging bahagi na ng Bulacaniana Collection ng Bulacan Provincial Library na ipamamahagi sa mga pampublikong paaralan, aklatan at tanggapan sa lalawigan ng Bulacan.

Kaugnay nito, mahigpit na iminumungkahi na magsagawa ng malalim at maingat na pananaliksik sa primaryang batis, mga panayam sa mga kaanak, mga mananaliksik partikular sa sining upang matiyak ang kalidad ng pananaliksik at makabuo ng mga epektibong dokumentaryo.

PANUNTUNAN

Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng Bulakenyong may puso sa paggawa ng pelikula at pananaliksik.

   a. Ang grupo ay maaaring buuin ng hindi hihigit sa sampung miyembro na lehitimong residente ng lalawigan ng Bulacan na maaaring magmula sa iba’t        ibang bayan o lungsod.

   b. Hindi maaaring lumahok ang grupo na nagwagi ng ‘Best Film’ sa anumang national at international film festivals/competitions sa nakaraang        labindalawang buwan.

Ang bawat grupo ay kailangang pumili ng isang alagad ng sining na itatanghal sa dokumentaryo. Sila ay mga dakilang Bulakenyo na nagbigay-karangalan sa lahing Pilipino sa iba’t ibang anyo ng sining kaya’t kinilala at itinanghal bilang Bayani ng Sining at Pambansang Alagad ng Sining sa Pilipinas.

FRANCISCO BALAGTAS

JOSE CORAZON DE JESUS

FLORANTE COLLANTES

NICANOR ABELARDO

FRANCISCO SANTIAGO

CONSTANCIO DE GUZMAN

FRANCISCO BUENCAMINO, SR.

EMILIO MAR-ANTONIO

DR. JOSE R. PEREZ

ALICE REYES

FRANCISCA REYES-AQUINO

AMADO V. HERNANDEZ

GUILLERMO E. TOLENTINO

GERARDO DE LEON

HONORATA DELA RAMA

ANTONIO R. BUENAVENTURA

ERNANI CUENCO

JOSE T. JOYA

VIRGILIO S. ALMARIO

PAGPAPATALA

Ang lahat ng interesadong lumahok ay kinakailangang makipag-ugnayan sa tanggapan ng PHACTO para humingi ng registration form.

Tiyaking kumpleto ang kasagutan sa impormasyong hinihingi sa Registration Form:

      • Tampok na Bayani ng Sining/Pambansang Alagad ng Sining
      • Pangalan ng mga Miyembro ng Produksyon

MGA ISUSUMITE:

  1. Research Paper – Hindi bababa sa 4,000 salita (hindi kasama sa bilang ang batis), Calibri 12, Single spacing, May footnotes and citations, Research paper format (introduksyon, subtitle sa bawat paksa, konklusyon)
  2. Balangkas ng Dokumentaryo (Storyline)
  3. Paraan ng Paglalahad (Treatment)
  4. Valid IDs ng mga Miyembro ng Produksyon
  5. Updated Profile ng Direktor at Manunulat/Mananaliksik
  6. Sample Works (Short Films)

May karapatan ang tanggapan na magsagawa ng paunang pagsusuri sa research paper at documentary proposal at ibalik sa pagkakataong mayroong kailangang isaayos sa mga ito.

Ituturing lamang na opisyal ang pagpapatala kung kumpletong naisumite ang lahat ng nabanggit.

FILM PITCH PRESENTATION

Sa April 30, 2021, ang bawat grupo sa pangunguna ng direktor at manunulat/mananaliksik ay inaasahang mahusay na ilalahad ang kanilang documentary proposal (storyline at treatment) sa loob lamang ng 30 minuto. Sa oras na itinakda, maaaring gamitin ng grupo ang pagkakataon para ikonsulta ang kanilang konsepto.

WORKSHOP AND CONSULTATION

Ang lahat ng grupong napili mula sa Film Pitch Presentation ay kinakailangang dumalo sa isasagawang workshop sa Mayo 14, 2021 at consultation sa Setyembre 28, 2021 para matiyak ang kalidad ng mga lahok na dokumentaryo. Ang hindi makadadalo sa pagsasanay na ito ay nangangahulugan ng pagkadiskwalipika at hindi na maaari pang magpatuloy sa paglahok.

Ang mga opisyal na kalahok ay makatatanggap ng halagang P10,000.00 bilang subsidy sa paggawa ng dokumentaryo.

PANUNTUNAN SA PAGGAWA NG DOKUMENTARYO

  1. Ang dokumentaryo ay maaari lamang tumagal nang 10 hanggang 15 minuto (kasama ang credit titles ng pelikula at official logo ng SINEliksik, PGB at mga katuwang na tanggapan).
  2. Bagama’t pinapayagan ang “creative license” ng bawat pelikula, ang treatment nito ay hindi dapat pangunahan o baguhin ang anumang impormasyong pangkasaysayan na inilalahad sa dokumentaryo.
  3. Siguraduhing gumamit ng mga primaryang batis upang matiyak ang kalidad ng mga impormasyong ilalahad sa dokumentaryo Magsagawa ng panayam sa mga angkop at mahahalagang personalidad na may kaalaman sa itatampok na alagad ng sining.
  4. Upang matiyak na nakasalig ang dokumentaryo sa tamang impormasyon, ang bawat grupo ay magsusumite ng research paper (hard & soft copy) na hindi magkukulang sa 4,000 salita kalidad ng mga impormasyong ilalahad sa dokumentaryo. (hindi kasama rito ang sipi ng lahat ng batis). Sa bawat pahina na may pangungusap na naglalaman ng mahalagang impormasyon, dapat ay may kaakibat na citations/ footnotes. Sa huling pahina, ilalahad ang lahat ng batis (sources) na ginamit o detalye ng panayam.
  5. Maaaring gumamit ng related materials (video clips, larawan, musika, atbp.) subalit kinakailangang magsumite ang mga kalahok ng katibayan ng kapahintulutan sa paggamit nito maliban na lamang kung ito ay public domain. Ang lahat ng credits ay kinakailangang ilahad sa huling bahagi ng pelikula. Hindi ipinagbabawal ang paggamit ng materials mula sa internet subalit iminumungkahi na limitahan ang paggamit sa mga ito.
  6. Hindi hinihikayat ang pagsasagawa ng panayam sa mga kasalukuyang nanunungkulang pinuno ng bayan o lungsod maliban na lamang kung talagang kinakailangan. Sa gayong pagkakataon, kailangan din itong ipabatid sa komite para sa pagsusuri bago pa man magsagawa ng panayam.
  7. Ang grupo ay kinakilangang sumang-ayon at lumagda sa mga terms and conditions na itinakda ng PHACTO upang maging ganap ang paglahok.

PRELIMINARY SCREENING

Isusumite ang lahok na dokumentaryo sa o bago Hunyo 10, 2022 sa tanggapan ng PHACTO kalakip ang pinal na sipi ng pananaliksik batay sa itinakdang panuntunan.

Sa isasagawang Preliminary Screening sa Hunyo 25, 2022 (Biyernes), inaanyayahang dumalo ang direktor at manunulat/mananaliksik (at iba pang kinatawan) upang tuwirang marinig ang komento at suhestyon ng mga hurado.

Ang mga lahok na mapipili sa Preliminary Screening ay bibigyan ng pagkakataong maisaayos batay sa rekomendasyon ng mga hurado. Makikipag-ugnayan ang PHACTO sa araw ng pagsusumite.

FINAL JUDGING

Matapos isaayos ang dokumentaryong napili mula sa Preliminary Screening, muli itong sasailalim sa Final Judging.

Mga isusumite para sa Final Judging:

  1. Soft copy ng dokumentaryo (HD file, MP4 format, with English Subtitles)
  2. 3 Copies of Sypnosis
  3. 3 Copies od Research Paper
  4. 1 Minute Trailer
  5. 1 Poster (Size: 18 x 24 in/ Material: Photo Paper)
  6. 10 Production Photos(behind the scenes)
  7. 10 Best Stills(high resolution)
  8. Signed copy of Terms and Conditions

Ang lahat ng ito ay ipapaloob sa long yellow clearbook. Lagyan ng cover page ang lahok na naglalaman ng pamagat ng dokumentaryo, running time at mga miyembro ng produksyon

MGA GANTIMPALA

AWARDPRIZE
Best Documentary FilmP100,000
Special Jury PrizeP50,000
Best ResearchP30,000
Best CinematographyP20,000
Best EditingP20,000
Best Sound DesignP20,000
Best PosterP5,000
Best TrailerP5,000

Ang mga finalist na hindi magwawagi ay tatanggap ng halagang P10,000 samantalang consolation prize na P5,000 sa mga kalahok na hindi magwawagi.

error: Content is protected!!!