PAKSA
Tema para sa taong 2023: “Pagsubok at Pagtindig noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig”
Ito ay maaaring personalidad, pangyayari, pamanang istruktura o gusali, at iba pang bagay na may kaugnayan sa lokal na kasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa ating lalawigan. Ang mga lahok na dokumentaryong tatanghalin na finalist ay gagamitin ng tanggapan sa mga proyekto nito, gayan ng SINEliksik Bulacan Heritage Book, Markers at Posters. Ang docu film at alat ay magiging bahagi na ng Bulacaniana Collection ng Panlalawigang Aklatan ng Bulacan at SINEliksik Bulacan Research Hubs sa mga pribado at pampublikong paaralan, aklatan at tanggapan ng lalawigan
RASYONALE
Itatanghal ng 5th SINEliksik Bulacan DocuFest ang pakikibaka ng mga Bulakenyo sa isang madilim na kabanata ng ating kasaysayan – ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas, nooý hawak pa ng mga Amerikano, ang nagtulak sa bansa at sa lalawigan ng Bulacan na sumama sa pandaigdigang giyera. Ito ang nagdulot ng kasawian sa mamamayan at pagkasira ng mga pamayanan. Gayunpaman, hindi natinag ang mga Bulakenyo na iangkop ang sarili sa nagbabagong panahon at nagsimulang tumindig laban sa mapanupil na mga mananakop. Umusbong ang mga pakikibaka na siyang nagpalaya sa Bulacan at sa bansang Pilipinas.
Sa kasalukuyan, ating kinikilala ang kabayanihan ng mga sundalong nag-alay ng kanilang lakas at talino upang makamit ang kalayaang tinatamasa ng ating bansa. Hindi rin natin makakalimutan ang mga istrukturang sinubok at winasak ng digmaan. Kaya naman habang nasa alaala pa ito ng mga nakasaksi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, mahalaga ng na maidokumento na ang mga ito. Ibabalik natin ang gunita ng kasaysayan nang panahong ito upang maikintal sa ating isipan na kung tayo man ay subukin, tayo rin ay sama-samang titindig tungo sa ikakabuti at ikadadakila ng ating bansa.
MGA LAYUNIN
- Magkaroon ng komprehensibong pananaliksik at biswal na reperensiya patungkol sa mga pangyayari sa lalawigan ng Bulacan noong panahon ng giyera, ang mga pagsubok na naranasan, at ang naging paglaban ng mga Bulakenyo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
- Magsilbing inspirasyon sa bawat Pilipino ang pagtatanggol ng mga Bulakenyo sa lalawigan ng Bulacan.
- Punan ang mga puwang sa pagtatala ng ating lokal na kasaysayan ukol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
DESKRIPSYON NG GAWAIN
Ang bawat grupo ng mga Bulakenyong interesadong lumahok ay kinakailangang pumili ng isang paksa tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa lalawigan ng Bulacan na maging sentro ng dokumentaryo ayon sa tema ng docufest sa taong ito.
PANUNTUNAN
- Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng Bulakenyo na may puso sa pananaliksik at paggawa ng pelikula.
a. Ang grupo ay buuin ng mga miyembro na lehitimong residente ng lalawigan ng Bulacan na maaaring magmula sa iba’t ibang bayan o lungsod.
b. Hindi maaaring lumahok ang grupo na ang pelikula ay nagwagi ng “Best Film” sa anumang national at international film festival/competition sa nakaraang labindalawang buwan.
- Ang 5th SINEliksik Bulacan DocuFest ay may dalawang kategorya: JUNIOR at SENIOR.
JUNIOR CATEGORY
- Ang mga miyembro ng produksyon ay may edad na 18 pababa lamang. Maaaring magsama ng isang tagapayo na nakakatanda bilang gabay sa produksyon. Bukod dito ay pahihintulutan ang karagdagan ayon sa pangangailangan sa karakter ng matanda.
SENIOR CATEGORY
- Ang mga miyembro ng produksyon ay may edad 19 pataas bagaman maaari ring magsama ng mga kabataang may edad 18 pababa.
PAUNANG PAGPAPATALA
Para sa paunang pagpapatala sa alinmang kategorya, Junior at Senior:
MAGSAGOT SA REGISTRATION FORM na nasa link sa ibaba o maaari ring i-scan ang QR Code.
https://forms.gle/fxDfM3VEXjqdNuhU8
Ang Huling araw ng Initial Registration ay sa PEBRERO 24, 2023
PAGPAPATALA
Magiging ganap ang pagpapatala kapag kumpleto nang naisumete ang mga sumusunod:
a. Registration Form (hard copy)
b. Research Paper (hard and soft copy)
– Hindi bababa sa 4,000 salita (hindi kasama sa bilang ang batis)
– Font Style: Calibri, Font Size: 12, Spacing: Single
– May footness and citations
– Research paper format (introduksyon, subtitle sa bawat paksa, konklusyon)
c. Balangkas ng Dokumentaryo (Storyline)
d. Paraan ng Paglalahad (Treatment)
e. Valid IDs ng mga Miyembro ng Produksiyon
f. Updated profile ng Direktor at Mananaliksik
g. Sample works (short films)
h. Terms and conditions (maaaring i-download mula sa link sa ibaba o sa QR Code)
Ang huling araw ng Pagsusumite ng mga Requirements ay sa MARSO 03, 2023
MAHALAGANG PAALALA!
Ituturing lamang na opisyal ang pagpapatala kung kumpletong naisumite ang lahat ng requirements. Ang grupo ay kinakailangang sumasang-ayon at lumagda sa terms and conditions na itinakda ng PHACTO upang maging ganap ang paglahok. Isang grupo lamang ang gagawa ng dokumentaryo sa bawat paksa. Mahalaga ang paunang pagpapatala para masabihan ang mga grupo kung may kaparehong paksa.
Sa pagkakataong mayroong kaparehong paksa:
Ang mga grupo ay magsusumite ng kumpletong requirements ng napiling paksa at bibigyan rin sila ng pagkakataong magsumite ng mga requirements para sa isa pang paksa (research paper, balangkas ng documentaryo at paraan ng paglalahad).
FILM PITCH PRESENTATION
Sa darating na Marso 10, 2023 ang bawat grupo sa pangunguna ng direktor, manunulat at mananaliksik ay inaasahang mahusay na ilalahad ang kanilang pananaliksik at documentary proposal (storyline at treatment) sa loob lamang ng 30 minuto.
Sa pagkakataong mayroong kaparehong paksa:
Ang mga grupong may kaparehong paksa ay kapwa may pagkakataong mag-pitch at pagkatapos ay pipiliin ng mga hurado kung kaninong grupo igagawad ang paksa. Kung hindi mapili, sa araw ding iyon ay bibigyan ang grupo ng pagkakataong mag-pitch para sa isa pang paksang isinumite.
WORKSHOP AND CONSULTATION
Ang lahat ng grupong napili mula sa Film Pitch Presentation ay kinakailangang dumalo sa isasagawang workshop at consultation sa Marso 17, 2023 para matiyak ang kalidad ng mga lahok na dokumentaryo. Ang hindi pagdalo sa pagsasanay na ito ay nangangahulugan ng pagkadiskwalipika at hindi na maaari pang magpatuloy sa paglahok.
*Ang mga opisyal na kalahok ay makakatanggap ng halagang 10.000.00 bilang subsidy sa paggawa ng dokumentaryo (Tingnan ang nakasaad sa Terms and Conditions).
PANUNTUNAN SA PAGGAWA NG DOKUMENTARYO
Ang Dokumentaryo ay maaari lamang tumagal nang 10 hanggang 15 minuto kasama ang credit titles ng pelikula, OBB at CBB.
Simula ng video (OBB o Opening Bill Board) 5th SINEliksik Bulacan DocuFest Logo, PGB at PHACTO (magkasama), maaaring ilagay ang logo ng produksyon.
Pagtatapos ng video (CBB o Closing Bill Board) Mga logo ng FDCP, NCCA, NHCP, 5th SINEliksik Bulacan DocuFest.
- Gumamit ng mga primaryang batis* upang matiyak ang kalidad ng mga impormasyong ilalahad sa dokumentaryo. Magsagawa ng panayam sa mga beterano, historyador at mga taong dalubhasa sa paksa. Hindi ipinagbabawal ang paggamit ng materials mula sa internet subalit iminumungkahi na limitahan ang paggamit sa mga ito.
*primaryang batis ang mga opisyal na dokumento, nakalimbag o nakasulat na ulat, testimonya/pahayag/salaysay at mga artifact/relic/larawan na tuwirang may kinalaman sa paksa bilang kapanahon nito o saksi at kabahagi sa mga kaganapan. - Hindi hinikayat ang pagsasagawa ng panayam sa mga kasalukuyang nanunungkulang opisyal ng pamahalaang lokal maliban lamang kung talagang kinakailangan. Sa gayong pagkakataon, kailangan din itong ipabatid sa komite para sa pagsusuri bago pa man magsagawa ng panayam.
- Tiyakin ang pagbibigay ng tamang kredito sa mga batis at paghingi ng kapahintulutan sa paggamit ng mga ito maliban na lamang kung public domain. Ang lahat ng credits ay kinakailangan ilahad sa huling bahagi ng pelikula.
- Tumalima sa lahat ng nakasaad sa terms and conditions
PRELIMINARY SCREENING
Isumite ang lahok na dokumentaryo (HD file, MP4 format, with English Subtitles) sa o bago ang 7 Hulyo 2023 sa tanggapan ng PHACTO kalakip ang mga sumusunod:
– 3 copies of Sypnosis (soft and hard copy)
– 3 Copies of Research Paper (soft and hard copy)
– 1-minute trailer
– 1 Poster (Size: 18 x 24 in / Material: Photo paper, matte)
Ang Pagsusumite ng Dokumentaryo ay sa Hulyo 07, 2023
Sa isasagawang Preliminary Screening sa 14 Hulyo 2023, inaanyayahang dumalo ang direktor, mananaliksik, manunulat, editor, at tagapayo. Upang tuwirang marinig ang komento at suhestyon ng mga hurado.
Ang mga docufilm na mapipili sa Preliminary Screening ay bibigyan ng pagkakataong maisaayos batay sa rekomendasyon ng mga hurado. Maliban sa itinakda ng PHACTO ay wala nang iba pang pagbabagong gagawin sa dokumentaryo. Makikipag-ugnayan ang PHACTO sa araw ng pagsusumite.
FINAL JUDGING
Matapos isaayos ang dokumentaryong napili mula sa Preliminary Screening, muli itong sasailalim sa Final Judging.
Mga isusumite para sa Final Judging sa 04 Agosto 2023:
– 10 Production Photos (behind the scenes, soft copy)
– 10 Best Stills (high resolution, soft copy, JPEG format)
– Final Script (soft and hard copy)
– Final Research Paper (soft and hard copy)
– Final Copy of Docu Film (DVD with case and cover)
Ang lahat ng ito ay ipapaloob sa long blue clearbook. Lagyan ng cover page na naglalaman ng pamagat ng dokumentaryo, running time at mga miyembro ng produksyon. Maliban sa rekomendasyong magkaroon ng minor edits sa dokumentaryo, ang isusumite para sa Final Judging ay pinal na at hindi na maaaring baguhin pa.
MGA GANTIMPALA | |
---|---|
JUNIOR CATEGORY | |
Unang Gantimpala | P50,000 |
Ikalawang Gantimpala | P30,000 |
Ikatlong Gantimpala | P20,000 |
Best Poster | P5,000 |
Best Trailer | P5,000 |
SENIOR CATEGORY | |
Best Documentary Film | P100,000 |
Special Jury Prize | P50,000 |
Best Research | P30,000 |
Best Cinematography | P20,000 |
Best Editing | P20,000 |
Best Documentary Script | P20,000 |
Best Poster | P5,000 |
Best Trailer | P5,000 |
Ang mga hindi magwawagi ng major awards ay makakatanggap pa rin ng halagang P10.000.00 na premyo bilang finalist. Tatanggap naman ng halagang P5.000.00 ang mga kalahok na hindi mapapabilang sa mga finalists. Makikipag-ugnayan ang PHACTO sa mga kalahok para sa petsa ng Final Judging sa buwan ng Agosto at Araw ng parangal sa buwan ng Setyembre 2023.