RASYONALE
Itatanghal ng 6th SINEliksik Bulacan DocuFest na tatawaging SINElik6 Bulacan DocuFest ang mga makukulay na festivals sa lalawigan ng Bulacan; kung paano nito sinasalamin ang mayamang kasaysayan at kultura ng bawat bayan at lungsod at kung paano sumilang ang mga tradisyong hanggang sa ngayon ay isinasagawa pa rin. Nakakabit sa mga pagdiriwang na ito ang cultural identity ng mga bayan at lungsod at patuloy na nagiging gabay sa kanilang hinaharap.
Katulad ng mga kulay sa bahaghari, maraming uri at paraan ng pagdiriwang ang mga Bulakenyo. Ang mga ito ay selebrasyon ng kasaganahan, kaunlaran, at higit sa lahat, pasasalamat sa Poong Maykapal. Ang pagdiriwang ng mga festivals na ito ang nagtatanghal sa maringal na kasiningan ng Bulacan at tunay na maipagmamalaki hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo.
MGA LAYUNIN
- Magkaroon ng komprehensibong pananaliksik at biswal na reperensiya patungkol sa iba’t ibang pagdiriwang (festivals) na isinasagawa sa Lalawigan ng Bulacan.
- Maitanghal ang mayamang kasaysayan, tradisyon at sining kaugnay ng bawat pagdiriwang.
- Mapalaganap ang kaalaman at maipakilala ang mga festivals ng lalawigan.
DESKRIPSIYON NG GAWAIN
Ang bawat grupo ng mga Bulakenyong interesadong lumahok ay kinakailangang pumili ng isang paksa mula sa ilalabas na talaan ng mga pagdiriwang sa Bulacan na siyang magiging sentro ng dokumentaryo.
Ang mga lahok na dokumentaryong tatanghalin na finalist ay magiging opisyal nang pag-aari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at gagamitin ng tanggapan sa mga proyekto nito gaya ng SINEliksik Bulacan Heritage Book, Markers, Posters, Module, Pamana Pass, at iba pa. Ang docufilm at iba pang publikasyon ay magiging bahagi ng SINEliksik Bulacan Research Hubs sa mga pampubliko at pribadong paaralan, aklatan, at museo sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.
TEMA
“Mga Pagdiriwang sa aming Bayan, Salamin ng Makulay na Kulturang Bulacan!”
Para sa paligsahang ito, ang mga pagdiriwang ay lilimitahan sa festivals (“festive”) na nakaugat sa kasaysayan at kultura ng bayan at lungsod. Ang “festivals” ay mas malawak na salita na tumutukoy sa mga pagdiriwang na hindi limitado sa mga kapistahang panrelihiyon. Ang iba pang uri ng pagdiriwang maliban sa mga nasa listahan ay magkakaroon ng bukod na tema sa mga darating na taon.
Narito ang talaan ng mga pagdiriwang (33) sa lalawigan ng Bulacan na maaaring piliin para sa pagpapatala sa SINElik6 Bulacan DocuFest:
- Angel Festival ng San Rafael
- Balagtasan Festival ng Balagtas
- Barong at Saya Festival ng Pandi
- Bulak Festival ng San Ildefonso
- Buntal Hat Festival ng Baliwag
- Casay Festival ng Norzagaray
- Chicharon Festival ng Santa Maria
- Fiesta Republica ng Malolos
- Gintong Kawayan Festival ng Meycauayan
- Gulayangat Festival ng Angat
- Halamanan Festival ng Guiguinto
- Halamang Dilaw Festival ng Marilao
- Hatiran Fiesta ng Bambang, Bocaue
- Kapistahan ni San Miguel de Mayumo
- Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Biglang Awa ng Pulilan
- Kapistahan ng Santisima Trinidad de Malolos
- Kapistahan ng Santo Niño de Malolos
- Kapistahan ni Sta. Ines ng Bulakan
- Kasilonawan ng Obando
- Kneeling Carabao Festival ng Pulilan
- Libad Festival ng Calumpit
- Manok-Manok Festival ng San Pedro, Bustos
- Minasa Festival ng Bustos
- Obrero Festival ng Muzon, San Jose del Monte
- Pagoda Festival ng Bocaue
- Pagoda Festival ng Liputan, Meycauayan
- Palaisdaan Festival ng Hagonoy
- Salakot Festival ng Tinijero, Balatong A, Balatong B, at Inaon sa Pulilan
- Salubong Festival ng Plaridel
- Singkaban Festival ng Bulacan
- Suguran Festival ng Meycauayan
- Sukang Sasa Festival ng Paombong
- Tanglawan Festival ng San Jose del Monte
PANUNTUNAN
MGA KALAHOK:
Ang paligsahan ay bukas sa lahat ng Bulakenyo na may puso sa pananaliksik at paggawa ng pelikula.
Ang grupo ay bubuuin ng mga miyembro na lehitimong residente ng lalawigan ng Bulacan na maaaring magmula sa iba’t ibang bayan o lungsod, subalit dapat ay mayroong isang residente ng bayan o lungsod ng itinatampok na festival.
Ang SINElik6 Bulacan DocuFest ay may dalawang kategorya: Junior at Senior.
Para sa Junior Category:
Ang mga miyembro ng produksiyon ay may edad 18 pababa lamang sa panahon ng pagpapatala. Maaaring magsama ng isang tagapayo na nakatatanda bilang gabay sa produksiyon. Mahalagang isaalang-alang ang kahandaan ng mga miyembro lalong higit ng mga mag-aaral na ipagpatuloy ang paggawa ng dokumentaryo hanggang sa pagtatapos ng paligsahan sa taong 2025.
Para sa Senior Category:
Ang mga miyembro ng produksiyon ay may edad 19 pataas bagaman maaari ring magsama ng mga kabataang may edad 18 pababa.
PAGPAPATALA
• Para sa mga interesadong lumahok sa parehong kategorya na Junior at Senior:
- Para sa paunang pagpapatala, kinakailangang magsagot sa registration form na nasa google drive link na ito: https://forms.gle/bMCSopi9pWm5BAL1A hanggang 1 Pebrero 2024, FIRST COME, FIRST SERVED ang pagpili sa festival na itatampok.
- Magiging ganap lamang ang pagpapatala kapag kumpleto nang naisumite ang mga sumusunod:
- Accomplished Registration Form (hard copy)
- Research Paper (hard & soft copy)
- Hindi bababa sa 2,000 salita (hindi kasama sa bilang ang batis)
- Font Style: Calibri, Font Size: 12, Spacing: 1.0
- May footnotes at citations
- Research paper format (introduksyon, subtitle sa bawat paksa, konklusyon)
- Sa huling pahina, ilahad ang lahat ng batis (sources) na ginamit o detalye ng panayam.
- Balangkas ng Dokumentaryo (Storyline)
e. Valid IDs ng mga Miyembro ng Produksiyon
f. Updated profile ng Direktor at Mananaliksik
g. Sample works (screenshots/posters ng short films para lamang sa unang beses lalahok)
h. Accomplished Terms and conditions (Maaaring idownload sa link na ito:
https://drive.google.com/drive/folders/1xZdt7Qxf7k67T1lsTU3FWwc0oMta66O?usp=sharing
– Ang huling araw ng pagsusumite ng requirements ay sa 29 Pebrero 2024.
MAHALAGANG PAALALA:
Ituturing lamang na opisyal ang pagpapatala kung kumpletong naisumite ang lahat ng requirements.
Ang grupo ay kinakailangang sumasang-ayon at lumagda sa Terms and Conditions na itinakda ng PHACTO upang maging ganap ang paglahok.
FILM PITCH PRESENTATION
Sa darating na buwan ng Marso 2024 ang bawat grupo sa pangunguna ng direktor, manunulat, at mananaliksik ay maglalahad ng kanilang pananaliksik at documentary proposal (storyline at treatment) gamit ang powerpoint presentation sa itatakdang petsa at oras para sa kanilang grupo. May panel na susuri sa kawastuhan at kasapatan ng pananaliksik at may panel na susuri sa panukalang pagsasapelikula ng pananaliksik.
WORKSHOP AND CONSULTATION
Ang lahat ng grupong napili mula sa Film Pitch Presentation ay kinakailangang dumalo sa isasagawang workshop and consultation sa buwan ng Abril 2024 para matiyak ang kalidad ng mga lahok na dokumentaryo. Ang hindi makadadalo sa pagsasanay at konsultasyon ay magreresulta sa pagkadiskwalipika at hindi na maaari pang magpatuloy sa kompetisyon.
MAHALAGANG PAALALA:
Ang mga opisyal na kalahok ay makatatanggap ng halagang P10,000.00 bilang subsidy sa paggawa ng dokumentaryo na ibibigay sa dalawang bahagi, katulad ng nakasaad sa ikalawang bilang (#2) ng Terms and Conditions. Sa pagkakataong hindi tumuloy sa paligsahan, kailangang ibalik ng grupo ang natanggap na paunang subsidy.
PANUNTUNAN SA PAGGAWA NG DOKUMENTARYO
a. Ang dokumentaryo ay maaari lamang tumagal mula 10 hanggang 15 minuto kasama na ang credit titles ng pelikula, OBB at CBB.
- Mga logo na ilalagay sa simula ng video (OBB o Opening Billboard)
- SINElik6 Bulacan DocuFest Logo
- PGB at PHACTO Logo (magkasama)
- (Maaaring ilagay dito ang pangalan ng inyong produksiyon.)
- Mga logo na ilalagay sa pagtatapos ng video (CBB o Closing Billboard)
- FDCP Logo
- NCCA Logo
- NHCP Logo
- SINElik6 Bulacan DocuFest Logo
b. Kailangang ilagay ang pangalan ng festival mula sa opisyal na listahan ng mga paksa bilang subtitle sa lilikhaing pamagat ng inyong dokumentaryo. Halimbawa:
Halimbawa: Mga Kabayong Nag-uunahan (Title)
Ang Horse Festival ng Plaridel (subtitle)
c. Kailangang mayroong actual footage ng festival na gaganapin sa taong 2024 o 2025, at iba pang footage sa nakaraang mga taon (kung mayroon) sa gagawing dokumentaryo.
d. Gumamit ng mga primaryang batis upang matiyak ang kalidad ng mga impormasyong ilalahad sa dokumentaryo. Magsagawa ng panayam sa mga historyador, mga tagapamahala ng festival, at mga taong dalubhasa sa paksa. Hindi ipinagbabawal ang paggamit ng materials mula sa internet subalit iminumungkahi na limitahan ang paggamit sa mga ito.
*Primaryang batis ang mga opisyal na dokumento, nakalimbag o nakasulat na ulat, testimonya/pahayag/salaysay at mga artifact/relic/larawan na tuwirang may kinalaman sa paksa bilang kapanahon nito o saksi at kabahagi sa mga kaganapan.
e. Hindi hinihikayat ang pagsasagawa ng panayam sa mga kasalukuyang nanunungkulang opisyal ng pamahalaang lokal maliban na lamang kung talagang kinakailangan. Sa gayong pagkakataon, kailangan din itong ipabatid sa PHACTO para sa pagsusuri bago pa man magsagawa ng panayam.
f. Kailangang mayroong English subtitle na wasto ang pagkakasalin, grammar, at iwasan ang typographical errors.
g. Tiyakin ang pagbibigay ng tamang kredito sa mga batis, video clips at musika at paghingi ng kapahintulutan sa paggamit ng mga ito maliban na lamang kung ito ay nasa public domain. Ang lahat ng credits ay kinakailangang ilahad sa huling bahagi ng pelikula.
h. Iminumungkahi ang pormal na pakikipag-ugnayan sa Tourism Officer ng bayan o lungsod para sa isasagawang dokumentaryo.
i. Tiyakin na nabasa at tumalima sa lahat ng nakasaad sa terms and conditions.
PRELIMINARY SCREENING
Isumite sa 21 Abril 2025 sa tanggapan ng PHACTO ang mga sumusunod:
- Lahok na dokumentaryo (MP4 format, at least 1080p resolution, with English Subtitles)
- 3 Copies of Script (soft and hard copies)
- 3 Copies of Updated Research Paper (hindi bababa sa 3,000 salita, isama ang datos mula sa mga panayam, with citations, soft and hard copies)
- Poster (soft copy, 18 x 24 inches, Portrait, with all Logos in place in this order (left to right): SINElik6 Bulacan DocuFest Logo, PGB at PHACTO Logo (magkasama), FDCP, NCCA, at NHCP.
Halimbawa ng Script:
VIDEO | AUDIO |
---|---|
OBB MONTAGE OF BODIES OF WATER AND REENACTMENT OF WAR BATTLE TO SUPPORT NARRATION. | VOICE OVER Dumaloy, umagos at umaalon. Isang elementong saksi sa kasaysayan, sumusunod sa hugis ng panahon pumapawi sa uhaw, nagpapasibol sa luntiang palayan, nagbibigay buhay. Ngunit ang tubig ay siya ring dahilan ng pagbawi nito. |
Sa isasagawang Preliminary Screening na gaganapin sa buwan ng Abril 2025, kailangang dumalo ang direktor, manunulat, mananaliksik, editor at tagapayo upang tuwirang marinig ang komento at suhestyon ng mga hurado. Ang mga lahok na mapipili sa Preliminary Screening ay bibigyan ng pagkakataong maisaayos batay sa rekomendasyon ng mga hurado.
FINAL JUDGING
Matapos isaayos ang dokumentaryong napili mula sa Preliminary Screening, muli itong sasailalim sa Final Judging. Magsumite ng mga sumusunod sa 26 Mayo 2025:
- Final Copy of Docu Film (MP4 format, at least 1080p resolution, with English Subtitles)
- 10 Production Photos (behind the scenes, soft copy, jpg file format)
- 10 Best Stills (soft copy, high resolution, jpg file format)
- Final Research Paper (soft and hard copies)
- Final Script (soft and hard copies)
- Synopsis (500 words, soft and hard copies)
- 1-minute Trailer (MP4 format, at least 1080p resolution)
- 1-minute Promotional Video (English, MP4 format, at least 1080p resolution)
- 1 Printed Poster (soft and hard copies, 18 x 24 inches, Portrait, Printed on Sintra Board, with all Logos in place in this order (left to right): SINElik6 Bulacan DocuFest Logo, PGB at PHACTO Logo (magkasama), FDCP, NCCA, at NHCP.
- 1 Printed Festival Photo (soft and hard copies, Printed on Sintra Board, A4 Size, Landscape)
Ang lahat ng hard copies ay ipapaloob sa long red clearbook. Lagyan ng cover page ang lahok na naglalaman ng pamagat ng dokumentaryo, running time at mga miyembro ng produksiyon. Ang lahat naman ng soft copies ay ilalagay sa USB Flash Drive.
Maliban sa rekomendasyong magkaroon ng minor edits sa dokumentaryo, ang isinumite para sa Final Judging ay pinal na at hindi na maaaring baguhin pa. Mahalagang tumalima ang kalahok sa mga inirekomenda ng secretariat na kailangang iedit sa docufilm kung ito ay lagpas sa itinakdang minuto, wala o kulang ang credits, at anumang paglabag sa panuntunan o kaya ay para sa pagtiyak ng kawastuhan ng dokumentaryo.
MAHALAGANG PAALALA:
Ang hindi pagsusumite ng kumpletong requirements at huling pagsusumite sa itinakdang petsa ay may kaukulang bawas sa puntos sa preliminary screening at final judging.
MGA GANTIMPALA
Para sa Junior Category:
Unang Gantimpala | P50,000.00 |
Ikalawang Gantimpala | P30,000.00 |
Ikatlong Gantimpala | P20,000.00 |
Special Awards:
Best Poster | P5,000.00 |
Best Festival Photo | P5,000.00 |
Best Trailer | P5,000.00 |
Best Festival Promotional Video | P5,000.00 |
Para sa Senior Category:
Best Documentary Film | P100,000.00 |
Special Jury Prize | P 50,000.00 |
Best Research | P 30,000.00 |
Best Cinematography | P 20,000.00 |
Best Editing | P 20,000.00 |
Best Documentary Script | P 20,000.00 |
Special Awards:
Best Poster | P5,000.00 |
Best Festival Photo | P5,000.00 |
Best Trailer | P5,000.00 |
Best Festival Promotional Video | P5,000.00 |
Ang mga hindi magwawagi ng major awards ay makatatanggap ng halagang P10,000.00 na premyo bilang finalist.
Makikipag-ugnayan ang PHACTO sa mga kalahok para sa takdang petsa sa pagsusumite ng final documentary film na ipapalabas sa Premiere Showing gayundin ang Araw ng Parangal na isasagawa sa pagdiriwang ng Singkaban Festival 2025.
Para sa lahat ng mga Bulakenyong interesadong lumahok, makipag-ugnayan lamang sa:
PROVINCIAL HISTORY, ARTS, CULTURE AND TOURISM OFFICE (PHACTO)
History and Heritage Division
Hiyas ng Bulacan Cultural Center: Sentro ng Kasaysayan, Sining, Kultura at Turismo,
Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound, Lungsod ng Malolos, Bulacan
sineliksikbulacandocufest@gmail.com | (0933) 823 4209 BULACAN History and Heritage Facebook Page